SA MALING PAG IBIG


 “kung kailan ka magmahal,doon ka pa masasaktan’’ Isang kwentong karanasan sa pag-ibig na naranasan sa totoong buhay.ito ay kwento ko,at ito ay naranasan ko ngayon.gusto ko lang isulat ito dahil wala akong mapagsabihan dahil ang mga magulang ko ay hindi kami gaanong magkasundo.puwera nalang sa kapatid ko na babae.iyon nga lang hindi din kami gaanong magkasundo.pero may pagkakataon na magkausap kami kapag may kailangan siya o di kaya’y ako,magtutulungan lang kami kung ano ang mayroon ako na wala siya,at kung mayroon siya na wala ako.magbibigayan nalang kami. Nagsimula ang lahat sa barkada at kaibigan ng kapatid ko,pinakilala niya ako sa isa sa mga kaibigan niyang lalaki.doon kami nagkakakilala,humingi siya ng number ko,nagttxt,natatawagan at nag-uusap sa personal,dahil iisa lang naman ang aming paaralang pinapasukan.at nagiging kami,dahil sabi ng kapatid ko mabait daw siya at seryosong magmahal.ayon sinagot ko siya dahil nga ang kapatid ko na nagsasabi sa akin kung ano siya. Hindi pa umaabot ng isang linggo an aming relasyon.kahit na ganun,minahal ko na siya agad,hindi ko alam kung bakit?hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit.baka natamaan ako ni kupido.pero kahapon ko lang nalaman ang lahat tungkol sa taong mahal na mahal ko.iyong taong mahal ko ay may mahal pala ng iba,ang sakit…..sakit talaga,kahit ilang araw lang kami magkasintahan ay minahal ko na siya higit pa sa buhay ko.akala ko iba siya sa lahat ng mga lalaki,pero katulad din pala.kaya nalaman ang lahat,tumawag siya sa akin,at nagtaka ako kung bakit bigla siyang tumawag sa akin.iyon pala ang babae,kaya hindi siya nagsalita sa akin. Kahapon sa alas 5 ng hapon,may tumawag sa akin na number na hindi ko kapamilyar,tapos sinagot ko,hindi siya sumagot.hindi ko alam na ang babae pa iyon,di ko alam kung bakit may number siya sa akin.sabi pa ng babae “iting babaeng ito,para namang sinong maganda.” Pagkatapos,binaba na niya ang telepono.ka gabi,nagtetext kami ng babae lahat ng masasakit na salita ay sinabi niya sa akin.sabi niya pinaasa lang daw ako sa tao,at bakit raw ako pumatol sa taong may mahal ng iba.ang sakit talaga talaga sa pakiramdam,at galit na galit ako sa sa sarili ko kung bakit nangyari ito sa akin,at galit na galit din ang babae sa akin. Sinabihan ko ang kapatid ko sa lahat ng nangyari,ayon nagalit siya dahil siya raw ang dahilan kung bakit naging kami ng kaibigan niya.kaninang madaling araw ,nagtext yong babae sa akin humingi ng tawad sa mga masasakit na salita na binitawan niya sa akin at sana raw
2. maintindihan ko siya,dahil ayaw raw niya mawala ang taong mahal na mahal niya.sinabihan ko siya na naitindihan ko kung ano ang pakiramdam kapag nangyari sa akin ang ganyang setwasyon.lalo na kapag ang taong mahal na mahal mo na ayaw mong mawala ,dahil nga sa pagmamahal mo sa kanya kaya mo nagawa iyon.kung ako ,ganun din ang gagawin ko kapag nangyari iyon sa akin.malay ko kasi na may syota pala siya at kinakasama pala niya ito,ang mas malala pa don ay kakilala at kapitbahay ko pa…kaya humingi din ako ng tawad sa kanya,dahil nagmahal lang naman ako at masama bang magmahal ng isang tao?hindi naman talaga ako o siya ang kasalanan,biktima lang kaming dalawa at nangako ako sa kanya na ako nalang ang lalayo para wala ng gulo at ayaw ko ng masaktan ng pauli-ulit… Mapaglaro talaga ang mundo sa akin,bakit sa akin pa ito nangyari.kung kalian tayo magmahal,don pa sa taong hindi karapat dapat na mahalin at hindi puweding maging akin dahil pag-aari ng iba.parang isang bagay na akala mo sayo na,hindi pala,dahil ito ay may nakalaan na.

 Isinulat ni:Edilou Mangogtong

Comments

  1. Hi ma'am pwede q po b ito ikuwento s basahin q po then upload q po s YouTube. Salamat po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog